Get awesome blog templates like this one from BlogSkins.comGet awesome blog templates like this one from BlogSkins.com

Take-Out Boxes

Electric Scooters

I Am Chinese

tim, timmy, timoy, 17, filipino, LCCian, power rangers member, batch owpor, chinese, atenista, sophomore, chemistry major, block M/M1, gabayano, edOphile, igknight, dik. mahal ang block, mahal ang org, mahal ang chem, pinipilit mahalin ang Cabral calculus, mahal ang videoke, mahal ang pamilya, mahal ang french, mahal ang DotA, mahal ang eastwood, mahal na ang pamasahe. talkative, extrovert, singer-wannabe, videoke addict, DotA fanatic, assertive, neat freak, feeling obessive-compulsive (pero di nagagamit sa lab), schizophrenic, orally fixated, internet junkie, agoraphobic, expert titrator. ayaw sa ipis, ayaw sa marumi, ayaw sa black and white pictures, ayaw sa loch ness monsters, ayaw sa hoaxes, ayaw sa feelers, ayaw sa Ma21, ayaw sa organic chem lab, ayaw kay OG, ayaw sa lahat ng may kaugnayan kay OG, ayaw mahiwalay sa block, ayaw mawalay sa gabay.

Fortune Cookies

  • a. chi
  • a. joyce
  • a. tish
  • bes ayee
  • bes james
  • carlo
  • ekai
  • enzo
  • hermione
  • inez
  • jm
  • k. chris
  • k. rollz
  • k. dan
  • k. kd
  • kalil
  • karen b.
  • koi
  • marc
  • marian (ning)
  • mel
  • myko
  • omi
  • ping
  • randy
  • tehani
  • tina


  • We Are Chinese Too

    Adventures With Chopsticks

    Malipas ang Tatlumpung Oras ng Pagdadalamhati.
    Is it just me...
    Bes (Ayee)! Hindi ka nag-iisa.
    update
    Ang simula ng aking araw
    First day funk
    BES!!!
    Ang pinakamadramang post ever
    ang buhay baboy
    The buzz

    Chinese Cuisine

  • naruto
  • happy tree friends
  • want artificial intelligence?try this one
  • pwendstah
  • It's Chinese Take-Out Time

    April 2005
    May 2005
    June 2005
    July 2005
    August 2005
    September 2005
    October 2005
    November 2005
    December 2005
    January 2006
    February 2006
    March 2006
    April 2006
    May 2006
    June 2006
    July 2006
    August 2006

    Tuesday, August 01, 2006

    Malipas ang Tatlumpung Oras ng Pagdadalamhati.

    Hindi na yata kita mahal.

    Dati, oo. Pero ngayon, ewan ko.
    Hindi ko alam kung bakit at kung papano. Basta hindi na yata kita mahal.

    Dati rati, atat na atat akong pumunta ng school upang makita ka. Yung tipong pag dilat ng mga mata ko, ikaw agad ang naiisip ko. May mga panahong gigising ako at tinatamad pumasok, pero kapag naiisip kita, maiisip ko na wag na lang mag-cut.
    Dati rati, sa mga panahong break time natin ay nagkikita tayo sa tagpuan. Masaya talaga ang mga panahong iyon. Yung mga sulyap ko sa iyo at mga ngiti mo sa akin. Basta kapag kapiling kita, minsan nga parang ayoko nang umalis sa tagpuan. Masaya ka kasing kasama. Palatawa, palabiro, minsan corny pero ok lang din.
    Naalala mo pa ba nung pinakilala mo ako sa mga kaibigan mo? Oo, aaminin ko na nawala ang aking pagka-extrovert sa panahong iyon. Akalain mo ba naman, ang dami mong kaibigan! Aba, Miss Popular ka ata. Parang lahat nakakakilala sa iyo. Lahat, kilala mo.
    Sa ating pagsasama, yung pakikitungo ko siguro sa iyong mga kaibigan ang pinakamahirap. Iba-iba kasi sila. Iba't iba ang hilig, ang trip, course, favorite color at depenisyon ng "what is love?". Mahirap kasing makiangkop sa ganun. Siyempre, kailangan kong iba-ibahin ang aking style ng pakikipag-usap sa mga kaibigan mo. Buti naman at naging sobrang close tayo pati na mga kaibigan mo.
    Dati rati, mahal kita. Sa iyo umikot ang mundo ko. Parang ngang hindi tayo magkahiwalay. Sabi nga ng mga blockmates ko, parang sa iyo na lang daw ang oras ko. Paano ba naman, ikaw ay ako at ako naman ay ikaw.

    Pero, may mga bagay na sadyang nagbabago kahit gaano man natin itong pigilan na mangyari.
    Ngayon, hindi na. Minsan nababagot na ako kapag nagkikita tayo. Sumasagi nga sa isip ko kung makikipagkita sa iyo eh. Minsan, nakakapagod mag-antay sa tagpuan. Maghintay at umasa. Itong dalawang 'to ang pinakaayaw ko sa relasyon. Minsan kasi, nauuwi sa wala.
    Ngayon, parang kakaiba na ang turing sa akin ng mga kaibigan mo. Hindi sa sila yung dati. Ibang iba na. Hindi ko alam kung sila nga ba o baka ako lang. Kapag nagkikita kami sa school, iniiwasan ko sila. Hindi ko na sila kasi trip eh. Hindi na sila masayang kasama. Hindi na sila.

    Sana naman maintindihan mo. Eto na, nilabas ko na lahat ng aking saloobin. Alam kong magagalit ka, pero bahala na. Pwede pa naman tayong maging kaibigan lang, di ba?

    Shete. Kailangan ko na ng TV.

    tim played with chopsticks @ 10:31 PM | 7 reached nirvana

    Tuesday, July 11, 2006

    Is it just me...

    ...or the world is getting a little bit pervert-ish?

    Nakakatawa yung class ko sa Hi165 last wednesday. Nagpapakita si Ma'am Habana ng mga pictures ng mga artifacts from pre-Hispanic times. Isa sa mga ito ay ang Maranao trumpo. Basta, para siyang trumpo pero exag ang size. Tapos medyo phallic pa ang form, kasi parang mushroom. Nagtawanan kami ni Tina nung makita namin ang picture. Ok na sana kaya lang biglang humirit si Ma'am ng
    " The Maranao males would play with their tops all day long. Some of the tops are big, huge and scary."
    haha. panalo.
    ---------------------------------
    In other news:
    Kanina habang naglalakad ako papuntang Cervini, may nakita akong couple sa PDA benches sa Berchmans. Parang ang kakaiba ng kanilang position kasi ang guy, nakaharap sa hallway tapos yung girl, nakasandal sa guy pero nasa harap yung isa niyang kamay. Gets? Parang nakaipit yung kamay na yun sa side nung guy. Tapos habang papalapit na ako, nakita ko na gumagalawe yung kamay ng girl. Yun pala, tinitrace niya yung nipple ng guy ng kanyang pointing finger. Woots. Congratulations sa inyo. Welcome to puberty.

    tim played with chopsticks @ 8:31 PM | 5 reached nirvana

    Friday, June 30, 2006

    Bes (Ayee)! Hindi ka nag-iisa.

    Nakakainis ngayon ang Ph101 ko. Nasa likuran lang naman kami ni James sa CTC105. Ok lang sana kung 30 lang kami dun. Uhm, ISANGDAAN lang naman kami. Pwede na ba yun?

    Medyo nakakadepress lang kasi nung unang dalawang beses na nagphilo kami, nasa nerd seats kami ni James. Pero isang iglap lang, shweng! wala na kami dun. Tila isang magandang alaala na lang ang mga upuan na yun.
    Nakakainis kasi ganadong ganado pa naman ako sa Philo. Akalain mo ba naman, kahit 4 na readings pa lang ang ipinapabasa sa amin, umaabot na ata ako sa walo. Tsaka nanghihiram pa ako sa library ng mga "Qu'est-ce que le philosophique antique?" , "Concepts and Thoughts in Ancient Philosophy" tsaka "Aristotle". Hindi required ang mga 'to. Trip ko lang basahin. Hobby, kumbaga. Naks, iba talaga kapag magmiminor in Philo. O di kaya epekto lang to ng walang TV sa bahay.

    Nabasa ko sa book ang "Philosophy and the Just Man" by Manny Dy (prof ko). Sinabi niya dun ang relasyon ng justice at love. Sabi niya, justice is the least form of love and that love must prevail over justice. Ata. Basta parang ganun. Kaya habang nakaupo ako sa likod, tinitingnan ko si Manny Dy at tinatanong ko siya (telepathically, of course) kung nasaan ang katarungan dito ngayon? Bakit kung sino pa yung sumeseryoso sa subject, ay siyang nakaupo sa likod. Habang ang mga nasa harap ay sangkatutak na estudyanteng hindi nakikinig, nagdadaldalan lamang at nagtatawanan. Quoting James, "Why do patapon students get good random numbers, good seats, etc." Haay.

    Pero kahapon, binalikan namin ang lesson ng "When do we philosophize?" at isa dun ay ang "Limit Situations". Sabi dito, we cannot control the situations we are in yet we can control our response to it. This makes us reflect on the meaning of life and aim to make our lives more meaningful. Yan yung main point ng mga existentialist philosophers (Pano ko nalaman? Nagbabasa ako ng philosophy books for a hobby, di ba?).
    Naisip ko, ang nangyari sa amin ni James ay tugmang-tugma sa Limit Situations. Wala na kaming magagawa sa nangyari ngunit may pwede pa kaming gawin para sa buong taon. Naisip ko, challenge din ang nasa likod kasi mas napapafocus ka at mas napapaconcentrate ka. Sabi ko, kung totoong gusto ko ang Philosophy, hindi importante kung nasan ako nag-aaral nito. Pwede nga sa hindi aircon na room. Ang mas mahalaga ay yung natututo ka. Period.

    Mas mahal ko na ata ang Philo. Nabasa ko lang naman ang 80++ pages ng readings na required in two hours! Pwede na ba yun?

    Kaya, Ph101, humanda ka. Magtutuos tayo.

    tim played with chopsticks @ 5:16 PM | 3 reached nirvana

    Saturday, June 17, 2006

    update

    naku, magfifirst day funk na sa lunes. pero hindi ko pa nafefeel ang going-to-school hype.
    sobrang busy din ako nung summer kaya hindi pa ako nakaupdate. tsaka tinatamad pa akong gumawa ng matinong entry.
    DL sem starts on monday!
    ready? go!

    tim played with chopsticks @ 8:30 PM | 3 reached nirvana

    Tuesday, May 09, 2006

    Ang simula ng aking araw

    haay. grabe ang summer classes. sobrang bilis. hindi na rin ako nakapagblog for some time. Update: WALA AKONG GAGAWIN THIS WEEK. But, BUT, 3 LT ko sa susunod na lunes at tuesday. Haaay. Je suis occupe! But I enjoy my classes, so I guess that would do.

    Kailangan ko nang talagang mag-isip ng strategy upang makagising nang maaga. 9am start ng class ko, at usually, 8am ko sineset ang alarm ng aking selepono. Pero, nakakatatlong snooze ako kaya 830 na ako nagigising. Kahit alam kong kailangan kong magmadali para hindi maleyt, hindi pa talaga ako makatayo sa kama. Nakakalimang minuto ata ako sa pagtutunganga sa kisame. Tapos, pupunta ako sa aking closet at iisipin kung ano susuotin. Medyo napapatagal din ako dito at kung hindi pa talaga ako makapagdesisyon, maliligo muna ako. Sa banyo ako nag-iisip kung aling damit ang susuotin ko. Mabilis lang ako maligo, except kung hindi ako naligo the night before, kasi mahirap tanggalin ang wax sa buhok ko. Kaya, hindi mabula ang shampoo. Medyo naiinis ako kapag nangyayari 'to kasi ayoko ng feeling ng hindi mabulang shampoo.
    Kapag fresh na ako, paplantsahin ko pa ang damit ko tsaka magdedeodorant, cotton buds, wax, cologne at toothbrush. Kapag 855 na, usually umaalis na ako sa bahay. Ngunit kapag hindi ko trip ang suot ko, nagpapalit ako ng bago.

    Minsan, umaabot ako sa class on time. Minsan hindi at nagsisimula na sila. Minsan kapag nahuli ako, medyo naguguluhan ako sa mundo kasi nakapagsimula na sila sa French at hindi ko pa gets kung ano ang lesson. Magtatanong pa ako sa katabi ko. Mabait naman siya, kaya ok lang. Yung prof ko nga pala nagchecheck ng attendance kapag 910am na, kaya swak pa rin ako, kaya oks lang.

    Pero isang araw, nalaman ko kay Ayee na hindi gusto ni Ma'am Young ang mga latecomers. Kaya medyo naisip kong magbago na. Napagdesisyunan ko na kahapon ako magsisimula. Kaya nung 1130pm na, natulog na ako. Isinet ko ang aking alarm ng 715am para makapagenjoy ako ng ilang snooze (kinalculate ko mga 5-6 pindots un).

    Kanina, nagising ako ng 623am. Sabi ko, Ok! May oras pa ako upang makatulog pa ng 1.5 hours. Medyo alive, alert, awake (pero hindi enthusiastic) na ako nung panahon na iyon, kaya mas masarap ang matulog ulit. Ganun ako, masarap ang tulog ko kapag nagising ako saglit tapos balik tulog ulit, kahit medyo hindi na ako inaantok.

    Ngunit, pinagtripan ata ako ni Lord. Today is not my lucky day. Nung magising ako ulit, 923am na! (grabe, exactly 3 hours talaga! at May 9 pa naman ngayon, kaya 3x3=9! o di ba?) Kaya, nagulantang ang aking mundo. Sabi ko SHEEET! Nauwi sa wala ang aking paghahanda. Wala. Wala na akong rason upang mabuhay pa. Wala na ang lahat.

    Nabwisit ako at nanood muna ng MTV. Sana man lang maabutan ko si Rihanna na kumakanta ng SOS. Pambawi man lang sana. Naisip ko, buti na lang nagquiz na kami kahapon sa French kaya sabi ko wala nang gagawin ngayong araw.

    Nung pumasok ako sa Psy101 class ko (1030am), sinabihan ako ng blockmate ko na blockmate ko rin French na nag-dialogue sila. Shiyet. So malamang zero na ako dun. Haay buhay.

    Mamaya, pag matutulog na ako, iseset ko na lang ulit sa 8am ang aking selepono at pipindutin ang snooze button ng tatlong beses. Ok lang kahit makatatlong beses akong magpalit ng damit. Narealize ko, it's better late than never. And being present is better than being late. Kaya, being present is better than being absent. Therefore, we should always be present in everything, kasi it's not being late.

    tim played with chopsticks @ 7:22 PM | 6 reached nirvana

    Friday, April 21, 2006

    First day funk

    I like this summer term!
    First, I like my subjects. This is the first time I've never had Chem subjects to torture my brain cells, thus limiting the number of synapses that connect all of those cells (Yes, go Ma'am Ramos)
    Next, I like my teachers! Especially in French. In one word, she is like SISIG - sizzling hot! Grabe. She, and the subject itself, give my day a great start. Btw, her name is Luisa Young. Young as in Yummy.

    One setback though is that I never get to meet my blockmates that often in class. We only eat lunch together but only some of us are actually there. God, this calls for a serious bonding moment. Pansol na toh!
    (Also, I've never seen Barbie since the start of the term. I heard she had her hair cut short.)

    Je suis vraimant excite! J'aime ma vie!

    tim played with chopsticks @ 7:42 PM | 5 reached nirvana

    Wednesday, April 19, 2006

    BES!!!

    Happy Birthday Bes Ayee!

    Ka-chak!
    (Ayee's only line on a group presentation: PATAYIN!)

    Bes, you're the Best!

    tim played with chopsticks @ 11:14 AM | 4 reached nirvana

    Ang pinakamadramang post ever

    Hindi ko nagustuhan ang aking bakasyon kamakailan lamang.

    Una sa lahat, wala akong pera. Hindi ako binibigyan ng allowance kapag hindi naman ako lumalabas ng bahay. Kung lalabas din naman ako, bibigyan ako ng nanay ko ng 100-150 pesos. Hindi sapat ang perang ito sa mall. Buti na lang ang sine sa amin ay 70 pesos lang, kaya may pera pa akong natitira para kumain ng snacks sa mall at siyempre, para ipamasahe pauwi.

    Pangalawa, wala akong magawa sa bahay. Hindi cable ang aming telly kaya tinitiis ko na lang ang 4 na channels sa bahay (ABS, GMA, ABC at S23). Hindi ako sanay na walang cable. Ako yung tipong nagchachannel surf every five minutes. Kaya naging challenge talaga sa akin na pasanin ang problemang ito. Pero dahil dito, napanood ko na rin sa wakas ang mga programang hindi ko inakalang mapapanood ko pala gaya ng Doraemon. Dahil pinanood ko ito, malamang ito na ang patunay kung gaano ako nababato noong bakasyon. (Nalaman ko rin na ang bida pala ay si Nobita, ang amo ni Doraemon).

    Panghuli, wala akong makasama sa mga gimik ko. Lima kaming magbabarkada noong high school ngunit ang isa ay dito rin sa Manila nag-aaral (sa UPD) kaya't pag umuuwi ako, hindi kami kumpleto. Halos magkasabay lang ang breaks namin. Kaya ang ibig sabihin nun, wala rin silang perang panggimik. Medyo naiinis ako minsan kasi pareho kami ng sitwasyon ng 3 ko pang kabarkada. Hindi kami yung tipong todo gimik talaga. Kadalasan, nanonood lang kami ng movie at ikot ikot lang sa mall. Kadalasan din, 3 lang kaming lumalabas kasi yung isa, maraming ginagawa tsaka minsan hindi pinapayagan ng nanay niya.

    Lahat ng mga ito ay kabaligtaran ng buhay ko dito sa Manila. Dito may pera ako para pambili ng mga gusto ko kahit anong oras. May pera akong panggimik at pang-Dota. May cable sa dorm ko kaya hindi ako nababato. May nagagawa ako kahit papano para naman hindi bumaba ang IQ ko. At higit sa lahat, may mga kaibigan akong game sa kung anuman ang mapag-usapan. Dito, ang daling magsabi sa text na "Tara, meet tayo sa (place) at exactly (time)." Maraming pwedeng gawin, at maraming pwedeng isama sa gagawin mo.

    Dahil nga hindi ko nagustuhan ang pamamalagi ko sa bahay noong bakasyon, naging masungit, suplado at bratty ako sa nanay ko. Lagi ko siyang inaaway. May isang beses na hindi niya ako nabilhan ng favorite kong bitso2x (rice cake deep fried in oil-brown sugar mixture) at dahil dun, nagtampo ako. Umasa pa naman ako na makakakain ako nun pag dumating na siya. Nagkamali ako. Umasa lang pala ako sa wala. Dahil dito, sobrang nabanas ako. Sa panahong din iyon, ginugutom na rin ako. Naririnig ko na ang ginigisang manok at naaamoy ko na ang mabangong tinola. Habang nilalanghap ko ang mahalimuyak na amoy ng uulamin namin sa tanghalian, lalong sumakit ang akin sikmura. Ngunit hindi ko rin makakalimutan ang ginawa ng nanay ko. Nasaktan ako ng sobra. Kaya napagdesisyunan ko na hindi kumain ng lunch. Kahit ilang beses akong tinatawag ng nanay ko sa aking kwarto upang kumain, sumisigaw ako ng hindi. Gutom na gutom na ako at nakahiga lang ako sa kama. Sinabi ko sa sarili ko na ito ang katunayan ng aking galit at poot. Habang nagmumuni ako sa mga bagay na ito, nakatulog ako.

    5pm na nung ako'y magising. Ang bumati sa akin ay ang tunog ng aking namumulubing sikmura. Hindi ko na kaya. Kinain ko man ang pride ko, hindi naman ako nabusog. Lumabas ako at dali daling pumunta sa ref upang kunin ang tinola at inilagay ito sa microwave upang maging mas masarap. Tumungo ako sa kwarto at kumain ng kumain. Pagkatapos kong kumain, pumunta ako sa kusina para hugasan ang aking mga ginamit na mga kasangkapan. Nakita ko dun si mama, ngunit hindi ko siya pinansin.

    Isang beses din, nagreklamo ako dahil wala akong allowance. Sinabi ni mama sa akin na sana magtipid ako dito sa Manila para may ipanggagastos ako dito. Sabi pa niya, "Eh di sana hindi ka nagrereklamo dito! Sana yung perang iginagasta mo sa mga damit iniipon mo na lang para may pera ka dito! Ang dami mo nang damit! Sana nag-artista ka na lang!" (May point si mama, mothers know best nga) Ito ang sinumbat ko sa kanya:
    "Bakit, ma? Dito ba nabibilhan ako ng damit? Dito ba nabibigyan ako ng gusto ko? Hindi ma. Bakit? Makakabili ba ako ng para sa sarili ko kung aasa lang ako sa inyo? Kung hindi pa ako magmakaawa ng isang linggo, hindi ko pa makukuha yun."
    (Naluha kami pareho)

    Hindi ko pinansin ang nanay ko matapos nun. Kahit nung gabi, niyayakap niya ako habang nanonood ng DVD pero hindi ko siya pinansin.

    Pagdating ko dito sa Manila, naramdaman ko ang pangungulila. Habang inaalala ko ang mga pangyayaring kinuwento ko, nahiya ako. Kinonsensiya ako. Gusto kong itext si mama ng sorry ngunit ang pride ko ang pumipigil sa akin. May natitira pa akong piso sa load ko at ito ay inilaan ko kinabukasan upang itext si mama.

    Lunes ng umaga, ang unang ginawa ko ay magtext.

    Good morning ma!

    Parang kulang.

    Good morning ma!Luv u!

    Ayan, ok na.

    tim played with chopsticks @ 8:01 AM | 5 reached nirvana